Sunday, January 28, 2007

Carmen Rosales

Carmen Rosales (born 1918 in Pangasinan) is a famous prewar Filipina actress better known as Mameng and is noted for her skill in acting and sweet voice. Rosales' film debut was in the 1938 movie Ang Kiri which she made a double to Atang dela Rama. When her friend brought her to Quisumbing the man rejected Rosales because the young woman did not have an aura of an actress.

But she became the most famous Filipina actress of the 1940s and 1950s and rivaled Rosa del Rosario at the box-office. She is famous for her sweet voice and recorded numerous songs. Rosales made her first debut in Ang Kiri aka The Flirt under Diwata Pictures. She starred in her first leading role opposite Jose Padilla Jr in Arimunding-Munding 1939.

She became the most bankable star in Sampaguita Pictures and the highest paid actress of the 1940s and 1950s. Her unforgettable roles as a martyr lover of Rogelio dela Rosa in Maalaala Mo Kaya 1954 and a club-singer in Ang Tangi Kong Pag-ibig.

She got her first Famas Award in 1954 via Inspirasyon opposite Van de Leon and a strict auntie in 1960 movie Estela Mondragon.

Rosales is named after Carmen, Rosales in Pangasinan. Rosales is famous in a hacendera role fighting to Alicia Vergel in Pablo Gomez version of MN. Her last appearance is from Inday Badiday's Eye to Eye and refused to appear completely in TV in a minor role.

this article is from wikipedia

Saturday, January 27, 2007

Bakit gumagalaw ang buntot ng kalabaw?


"Balong, sama ka sa bukid ipapastol ko ang kalabaw?", paanyaya ni Tiyo Silo.
"O sige pero maglalakad na lang ako."
"Medyo malayo iyong pastulan, sakay na lang tayo sa kalabaw. Sa likod ka, ako ang magda-drive", sambit ni Tiyo Silo.

Inalis ni Tiyo Silo ang tali ng kalabaw sa puno ng mangga. Nakita ko ang mabait na kalabaw na nakangiti dahil alam niya na sa ganitong oras ay dadalhin na naman sa kanyang paboritong lugar upang kumain ng iba't ibang klaseng damo.

Magaan ang loob namin sa kalabaw. Kasali siya sa aming pamilya. Siya ang ginagamit pang-araro sa bukid. Hinihila niya ang kariton na may mabibigat na sako ng palay patungo sa bahay ni Lola Kolasa. Sinasakyan namin ang kariton para pumunta sa bayan at mamalengke. Matiyaga ang kalabaw, kaya pinapakain namin siya ng maigi.

"Tiyo, 'di ko alam umakyat sa kalabaw, paano ako makasasakay?" Dahil ako'y apat na taon pa lamang noon ay binuhat ako ni Tiyo at inilagay sa likod.
"Huwag kang matakot, hawakan mo sa likod", wika ni Tiyo.

Inalagay ni Tiyo Silo ang mga kamay sa likod ng kalabaw na iyong isa ay hawak ang tali at sabay talon sa kalabaw. Ilang saglit ay nakasakay na kami. Lumalakad na si matiyagang kalabaw. Masayang masaya siya.

"Maaaaaaaaaaaak..", sigaw ng kalabaw.

"Aray!", nadama ko ang hampas ng buntot ng kalabaw tatlumpong segundo lang bago kami lumisan. Hinayaan ko iyong unang hampas kasi alam kong gaya ng aso ay nagpapahiwatig ng kagalakan. Ngunit sinundan pa ng napakaraming pagkilos ng buntot ng aming babaeng kalabaw.

"Tiyo, masakit ang hampas ng buntot", habang lasap ko ng kasarapan ng pagsakay.
"Magtiis ka, malapit na tayo".

Nang makarating kami sa pastulan, unang bumaba si Tiyo para ilagay iyong kahoy na doon nakatali. Ipinukpok niya sa lupa at hinayaan ako sa kalabaw. Matindi kong hinawakan ang likod ng hayop dahil ayaw kong mahulog. Gayundin, natatamaan pa rin ako ng buntot.

Natapos na ng pagpukpok si Tiyo at lumakad siya papalapit sa amin. Ibinaba niya ako.

Hinayaan namin ang kalabaw at pumunta kami sa bahay-kubo na kung saan nandoon si Lola Kolasa. Habang nilalasap ko ang simoy ng hangin, nakatingin pa rin ako sa kalabaw. Napansin ko na hanggang ngayon ay gumagalaw pa rin ang buntot.

"Lola, bakit gumagalaw ang buntot ng ating kalabaw?", di ko na mapigilang magtanong.
"Itong Apo ko, kung anu-anong itinatanong", wika ni Lola. "Kasi maraming langaw ang dumadapo sa puwit, kaya ginagamit ang buntot na pamaypay".

May mga pangyayari sa barrio na hindi maaaring kalimutan. Ang pagsakay sa kalabaw na kasama ang hampas ng buntot nito ay walang katapusang karanasan itinatago sa puso.

*****
A smaller breed of Water buffalo, the Carabao, is the national animal of the Philippines.

The carabao (Filipino: kalabaw) or B. bubalus carabanesis is a domesticated subspecies of the water buffalo (Bubalus bubalus) found in the Philippines, Guam, and various parts of Southeast Asia. Carabaos are highly associated with farmers, being the farm animal of choice for pulling the plow and the cart used to haul farm produce to the market.


martin nievera

Thursday, January 25, 2007

Carmen Rosales Pangasinan










This barrio probably exceeds all barrios and towns of Pangasinan in popularity in the entire Luzon. It is the terminal of buses and jeeps going to the north; like Ilocos Sur, La Union, Ilocos Norte, ang Benguet: to the south; Pampanga, Manila, Laguna: to the east; Nueva Viscaya, Isabela: and Bayambang, Lingayen to the west.

It is also known for the Carmen-Villasis bridge which was used strategically and built by the Americans to fight against the Japanese.(see left image, 1935 bridge, right image, the present bridge)

Wednesday, January 24, 2007

Nang maubos ang "tansan"


Kinakalawang man o bago ay napakahalaga na marami ka sapagkat nakasalalay dito ang mga oras sa pakikipaglaro sa mga kaibigan o kapitbahay.

Tinatawag naming "tansan" o iyong takip ng bote ng softdrinks o kaya'y beer (sa English, bottle crown). Naging bahagi ng buhay hindi lang ng mga mahilig sa softdrinks gaya ng Royal True Orange, Sprite, Coke, Pepsi Cola, Sarsi, Merienda, Mountain Dew, at San Miguel beer. Ito'y naging laruan ng mga bata noong wala pang "console games".

Paano pinapaglaruan iyong "tansan"? Kung sa kasino ang gamit ay mga "chips"; sa mga bata ay tansan.

Madalas magamit ang tansan na panaya sa "taksing" na kung saan ang bawat manlalaro ay maglalagay ng magkakaparehas ng bilang sa loob ng guhit na bilog sa lupa. Ang mga kasali ay mayroong tig-iisang bato na tinatawag na "pamatok". Maglalagay sila ng guhit na medyo malayo sa bilog. Ihahagis nila ang kani-kanilang pamatok palapitan sa may guhit para malaman kung sino ang mauuna na titira sa mga nakalatag na tansan sa loob ng bilog.

Mula sa guhit, titira ang unang manlalaro at ang lalabas na tansan sa bilog ay kanyang pag-aari. Hihinto lang siya ng pagtira kung walang nailabas. Susundan ito ng ibang mga manlalaro hanggang mailabas lahat ang tansan.

Ginagamit din ang tansan sa "kara krus".

Dahil halos lahat ng bata ay naglalaro nito, madalas maubusan ng tansan sa barrio na kung saan saan na ay naghahanap. Oo, sa basurahan ang bagsakan ng mga bata.

Parang pera ang halaga ng tansan noon. Hindi pa ring maipaliwanag kung bakit kahit kinakalawang ay itinuturing pa ring magandang pampalipas oras.


martin nievera